PINANINDIGAN ni Carla Abellana ang hashtag niyang #hindiakotakotmagsabingtotoo nang i-post ng isang witness ang nangyaring car accident sa Tagaytay na anim na minors ang namatay.
Nasunog ang katawan ng grade 10 students nang sumalpok sa puno ang kanilang sasakyan hanggang magliyab.
Nabasa ni Carla ang post ng isang witness na sobrang disappointed sa diumano’y kawalan ng aksiyon ng mga pulis sa aksidente at sanay nakaligtas pa ang anim sa pagkasunog at hindi namatay.
Nag-post sa Instagram ng kanyang damdamin si Carla at tinawag na mga sinungaling at disgrace ang dalawang pulis.
Naririto ang bahagi ng post ni Carla:
“Here’s a classic case of how sick this nation’s systes is. Nakakawalang-gana.”
Marami ang pumuri sa tapang at kawalang takot ni Carla, at may mga naging instant fans siya. Pero may mga natakot din sa kanyang seguridad at pinayuhan siyang i-delete ang kanyang post dahil mga pulis ang kinalaban niya.
Meron ding nagalit sa kanya at inakusahan siyang nakikisawsaw lang sa isyu. May nag-react pa na sana ay hindi niya ginamit ang popularidad para mag-judge sa ibang tao. Sinabihan pa si Carla na mag-apologize sa mga pinangalanang dalawang pulis.
Pero hindi nagpatinag si Carla at mababasa pa rin sa IG niya ang kanyang post at ang nakakaloka, ang followers niya at mga bumibisita sa kanyang IG na ang nag-aaway-away dahil sa post niya.
Gusto tuloy naming makausap uli si Carla na the last time naming mainterbyu ay puro tungkol lang sa Because of You ang napag-usapan; kung gaano siya kasaya sa show at sa mga kasama niya at nagpapasalamat na tinanggap ng televiewers ang tambalan nila ni Gabby Concepcion.
Ikinatutuwa at ipinagpapasalamat din ni Cala na nagklik ang tawag niyang Boss Yummy kay Gabby. Katunayan, kahit saan magpunta ang aktor ngayon, iyong na ang itinatawag sa kanya. To think na wala ‘yun sa script at naisip lang ni Direk Mark Reyes na idagdag. (Nitz Miralles)