Patay ang isang big-time drug pusher na sangkot sa iba’t ibang kaso ng pagnanakaw at pagpatay matapos umanong manlaban sa awtoridad sa buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite, nitong Miyerkules.

Dead-on-the-spot si Ramir Mananthan, alyas Tisoy, 42, may asawa, ng Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, dakong 7:30 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Intel Section at Bacoor City-Special Operations Group (BC-SOG) sa pamumuno ni Police Supt. Noel Alino, sa Sitio Pechayan sa Bgy. Molino 3.

Nagsasagawa ng buy-bust ang pulisya pero nakatunog ang suspek na agad nagpaputok ng baril kaya nauwi sa engkuwentro hanggang sa mapatay si Mananthan.

Bukod sa paulit-ulit na pagkakasangkot sa ilegal na droga bilang isang kilabot na drug pusher sa Bacoor, sangkot din si Mananthan sa serye ng nakawan sa siyudad at sa mga karatig-bayan, kabilang na ang pagtangay ng P706,000 sa bahay ng isang Mrs. Nixon noong Nobyembre 2015 sa Bacoor; at sa pagnanakaw at pagpatay nitong Enero 18 sa isang buko dealer, na natangayan ng 4,800.

Kauna-unahang abogadong Mangyan, pumanaw na!

Nakuha mula sa suspek ang isang .38 Smith and Wesson snub nose homemade revolver at mga bala nito, gayundin ang 500 marked money. (Beth Camia)