SINGAPORE (Reuters) — Inaresto ng Singapore ang 27 Bangladeshi construction worker na sumusuporta sa mga grupong Islamist kabilang na ang al Qaeda at Islamic State at ipina-deport ang 26 sa kanila, habang ang isa ay ikinulong dahil sa tangkang pagtakas, sinabi ng gobyerno noong Miyerkules.

Ang mga suspek ay inaresto noong Nobyembre at Disyembre. Nakakulong ngayon ang 26 sa Bangladesh.

Nabunyag sa imbestigasyon ng Singapore nagtatangka ang grupo na maghasik ng karahasan sa ibayong dagat. Ang ilan ay nagbabalak na makipagdigma sa Middle East.

“I appeal that we be more vigilant, whether against radical teachings and ideologies, or of any suspicious activities around us,” sabi ni Minister-in-Charge of Muslim Affairs Yaacob Ibrahim sa kanyang Facebook page.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM