HAWAII (Reuters) — Inihanay na sa listahan ng mga patay ang 12 U.S. Marines na nawawala matapos magkabanggaan ang dalawang military helicopter noong nakaraang linggo sa Oahu island ng Hawaii, sinabi ng militar nitong Huwebes.

Itinigil ng Coast Guard ang paghahanap sa mga nawawalang Marines, may edad 21 hanggang 41, noong Martes matapos ang limang araw na search and rescue efforts sa 40,000 square nautical miles ng karagatan, at sa mga dalampasigan.

Ang dalawang CH-53E helicopters ng 1st Marine Aircraft Wing ng Marine Corps Air Station sa Kaneohe Bay ay nasa routine training mission nang magkabanggaan, hatinggabi noong Enero 14, ayon sa Coast Guard.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina