PESHAWAR, Pakistan (Reuters/AFP) — Nilusob ng isang grupo ng mga militante ang isang unibersidad sa magulong hilagang kanluran ng Pakistan noong Miyerkules na ikinamatay ng 21 katao, kinumpirma ng mga opisyal.
“The death toll in the terrorist attack has risen to 21,” sabi ni Deputy Inspector General Saeed Wazir sa AFP, ilang oras matapos ang unang alarma.
Rumesponde ang mga pulis, sundalo at special forces sa unibersidad.
Sinabi ni military spokesman Major General Asim Bajwa sa Twitter na apat sa mga umatake ang napatay.
Inakyat ng mga militante ang Bacha Khan University sa Charsadda, sa hilagang kanlurang probinsiya ng Khyber Pakhtunkhwa, may 50 kilometro ang layo mula sa lungsod ng Peshawar, bago pinasok ang mga gusali at pinagbabaril ang mga guro at estudyante. Narinig din ang mga pagsabog sa loob ng campus.
Inako ng grupong Taliban ang pag-atake.