Inanunsiyo kahapon ng Philippine National Police (PNP) na 250 katao na ang naaresto sa paglabag sa firearms ban.

Sinabi ni Chief Superintendent Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, na simula nang ipatupad ang Commission on Elections (Comelec) gun ban noong Enero 10 ay 238 sibilyan, dalawang pulis, tatlong government/elected official, tatlong miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology, dalawang sekyu at isang miyembro ng law enforcement agency at Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU), ang naaresto dahil sa paglabag dito.

Kabilang sa mga nakumpiska ang 154 na baril, 734 na patalim, 24 na iba pang pampasabog, 9 na granada, pitong pekeng baril, at 717 bala.

Ipinatutupad ang gun ban para sa pambansa at lokal na halalan sa Mayo 2016 simula Enero 10 hanggang Hunyo 8. (PNA)

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?