pba 16 photo copy

Laro Bukas

Quezon Convention Center-Lucena City

7 p.m. – San Miguel vs Alaska (Game 3)

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Beermen sisikaping hindi malubog sa 0-3.

Ginawa na ng San Miguel Beer ang lahat upang di masayang ang lahat ng tsansa nila ngunit bigo pa rin sila sa Alaska na nakakaungos na ngayon sa kanilang best-of-7 finals series ng 2-0 matapos ang naitalang 83-80 panalo noong Game Two.

Tatangkain ng defending champion Beermen na hindi maiwan sa muli nilang paghaharap ng Aces ngayong gabi sa pagdayo ng dalawang koponan sa Lucena City para sa Game Three ng 2016 PBA Philippine Cup Finals.

Ganap na 7:00 bukas ng gabi ang salpukan ng dalawang koponan na idaraos sa Quezon Convention Center.

Malaking katanungan pa rin kung palalaruin na ng Beermen ang reigning MVP na si Junemar Fajardo na sinasabing problema pa rin ang pabalik-balik na pamamaga ng kanyang kaliwang tuhod sa huling laro nila noong semis kontra Rain or Shine na naging dahilan upang hindi siya makasali sa unang dalawang laro sa finals.

Ngunit kung si San Miguel Beer coach Leo Austria ang tatanungin, ayaw niyang ipakipagsapalaran ang kondisyon ni Fajardo at mas gugustuhin niyang isakripisyo ang tsansa nilang mapanatili ang titulo kaysa malagay sa alanganin ang career ng kanilang pangunahing slotman.

“On and off pa rin ang swelling sa tuhod niya e,”pahayag ni Austria. “I know he’s frustrated. But I told him that we can sacrifice the championship huwag lang ma-prolong ang injury niya. He is the future of Philippine basketball and the San Miguel team and I don’t want to risk aggravating his injury.”

Sapat na aniya na makitang lumalaban ang kanyang team anuman ang kahinatnan.

Ngunit hindi pa rin niya inaalis ang pag-asa nilang makabangon.”Whatever happens manalo o matalo ,what we want to see is our players keep on fighting back.With the way they played tonight, I am very happy for them.Despite of the handicap, we did not give up.Down 0-2 Meron pa ring chance.”

Para naman sa Aces, naniniwala silang wala pang dapat na ipagdiwang at lalong hindi dapat na makampante dahil mahaba pa ang serye.

“Halfway na pero hindi pa rin ganun kadali,” pahayag ni Calvin Abueva.”Nakita nyo naman na naka-survive lang kami.”

Ayon pa kay Abueva kailangan nilang maging alerto sa kanilang ginagawa dahil sa sandaling malingat sila ay posibleng maglahong parang bula ang lahat ng kanilang pinaghirapan. (MARIVIC AWITAN)