NOONG nakaraang linggo, ibinaon ni Pangulong Aquino ang “huling pako sa kabaong” ng mga senior citizen na SSS pensioner. Sa kanyang pag-veto sa bill na magkakaloob ng P2,000 dagdag sa pensiyon ng mga pensioners.

Nang maaprubahan ang bill, na inisponsor ni Senatoriable Neri Colmenares, ay halos magdiwang ang mga senior citizen.

Nawala ang kunot sa kanilang mga noo, nawala ang sungit sa mga labi at nahalinhan ng tuwa. Pero noong nakaraang linggo, pinawi ni PNoy ang mga ngiting iyon. Halos isumpa nila ang inaakala nilang “Atsoy” sapagkat sa mga labi rin ni PNoy nanggaling ang katagang: “Kayo ang BOSS ko!”

Ngayon, ang kanyang “BOSS” ay BINUSABOS!

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ang katotohanan, halos lahat ng kagustuhan at kahilingan ng mga mamamayang Pilipino ay hindi sinunod ng Pangulo.

Ipinakikita niya talaga kung sino ang BOSS at hindi ito ang mga naghihirap na mamamayan. Ang mga batas na makapagpapaangat sa buhay ng mga Pinoy at makapagbibigay ng liwanag para mabawasan man lamang ang mga katiwalian ay pinapantot niya tulad ng FOI bill. Ang ipinagpipilitan niyang maaprubahan ay ang isinusuka ng mga mamamayan na BBL.

Anong klaseng pinuno ito?

At sa mga ginagawang ito ni PNoy ay dapat nang mamulat si Presidential candidate Mar Roxas. Ang mga ginagawang ito ni PNoy ay pawang pagtanggal sa mga botong para sana ay sa kanya. Ngunit tila manhid si Roxas. Pilit pa rin niyang isinusulong ang pinangangalandakang “Tuwid na Daan,” samantalang marami na ang naniniwalang hindi ito “Tuwid” kundi “Baluktot”. Masyadong malaki ang tiwala ni Roxas kay PNoy at ito marahil ang kanyang magiging waterloo.

Ang sabihin at idikta ni PNoy ay batad para kay Roxas. Tila wala siyang alam na sagot sa Pangulo kundi, “Yes, Sir.”

Kung sabihin siguro ni PNoy na tumalon ito sa building ay baka sumagot siyang: “Saang building po, Sir?”

Kawawang Roxas. Kawawang Mamamayang Pilipino! Kapag si Roxas ang nanalo sa darating na eleksiyon, ang masususnod din ay si PNoy at patuloy ang magiging kamalasan ng mga Pinoy! (ROD SALNDANAN)