Pormal na iginawad ng Fiba Executive Committee noong Martes ng gabi, Miyerkules ng madaling araw dito sa Pilipinas ang isa sa tatlong hosting rights ng Olympic Qualifying Tournament.

Dahil dito ,inaasahang makakatulong ito ng malaki para sa Gilas Pilipinas dahil sa maibibigay na inspirasyon sa kanila ng paglalaro sa harap ng kanilang mga Filipino fans sa pagtatangkang makakuha ng slot sa darating na Rio de Janeiro Games.

Sa naganap na pagpupulong ng world basketball governing body sa kanilang main headquarter sa Geneva, Switzerland, iginawad ng FIBA executive committee sa Pilipinas (Manila), Serbia (Belgrade) at Italy (Turin) ang karapatang maging host ng nalalabing tatlong qualifers kung saan ang tatlong magkakampeon ang uusad at makakasama ng mga pinakamahuhusay na basketball teams sa buong mundo sa Brazil sa Agosto.

Kung sakali, ito ang magiging unang pagkakataon na makakapaglaro ang Philippine basketball team sa quadrennial games mula noong 1972.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakatakdang ngayong magdaos ang Samahang Basketbol ng Pilipinas ng torneo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa darating na Hulyo 4-10.

Malalaman kung anu-anong bansa ang makakatunggali ng Gilas sa torneo pagkatapos ng isasagawang draw, isang linggo mula ngayon. (Marivic Awitan)