Inihalintulad ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Eukaristiya o Komunyon sa pagiging isang pamilya at isang komunidad.
Ayon kay Tagle, ang paulit-ulit na gawain na ito sa loob ng misa ay para ipaalala ang pagmamahal ng Panginoon sa atin.
“One family, one community is manifested. It’s being one community in the common memory that they share. That’s why the Eucharist makes us one community through the memory of Christ,” ani Tagle sa panayam ng Radio Veritas.
Kaugnay nito, nagsimula na kahapon ang Theological Symposium sa Cebu City na dinaluhan ng mahigit 1,700 delegado mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ang pagtitipon ay bahagi ng pagdaraos ng 51st International Eucharistic Congress (IEC) sa Cebu City mula Enero 24-31, 2016 na dadaluhan ng 50,000 delegado mula sa buong mundo. (Mary Ann Santiago)