Umaapela ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na magtanim ng kawayan upang malabanan ang epekto ng climate change.
Paliwanag ng Ecosystems Research and Development Bureau ng DENR, malaki ang maitutulong ng kawayan upang magkaroon ng malinis at sariwang hangin at maiwasan ang pagguho ng lupa lalo na sa mga tabing ilog.
Ang kawayan na pinakamalaki at pinakamabilis tumubong damo sa mundo ay may malawak na mga ugat kaya’t hindi madaling mamamatay.
Tiniyak ng DENR na makikipagtulungan sila sa mga lokal na sangay ng pamahalaan upang maisakatuparan ang nasabing hakbang. (Rommel P. Tabbad)