Isang lalaki ang napatay habang sugatan naman ang isa pa nang sumiklab ang kaguluhan dahil sa dayaan sa larong “cara y cruz” sa Tondo, Manila nitong Martes ng gabi.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC) ang biktimang si Iris Danganan, alyas “Lalek,” 38, tricycle driver at residente ng 900 San Leonardo St., Delpan, Tondo, Manila dahil sa tinamong dalawang saksak sa katawan.

Samantala, sugatan at ginagamot din sa sa nasabing ospital ang suspek na si Nestor Payumo, 49, sidecar boy, at residente ng R-10 Delpan Flyover, Tondo, na nagtamo rin ng saksak sa katawan.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, sa pamumuno ni SPO2 Charles John Duran, naganap ang insidente dakong 11:50 ng hatinggabi habang naglalaro ng cara y cruz ang suspek at biktima.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Ayon kay Duran, nag-away ang dalawa nang madiskubreng nagkakadayaan na sa sugal.

Sinipa at sinaksak umano ng biktima ang suspek ngunit naagaw nito ang kutsilyo at gumanti ng saksak.

(Mary Ann Santiago)