ANG balanse ng kapangyarihan ng sandatahan sa Asia-Pacific ay pumoposisyon laban sa Amerika, kasunod ng paghamon ng China at North Korea sa kredibilidad ng pangako ng Amerika na magkakaloob ng seguridad sa maliliit na bansa habang nililimitahan ang paggastos ng Pentagon, ayon sa isang pag-aaral na isinapubliko nitong Martes.

“Concerned” ang mga mananaliksik mula sa Center for Strategic and International Studies, na nagsagawa ng pag-aaral para sa Department of Defense ng Amerika, na ang puntiryang “rebalance” ni Pangulong Barack Obama sa Asia ay hindi magiging sapat upang tiyakin ang interes ng Amerika sa rehiyon.

Inoobliga ng Kongreso ang Department of Defense na ikomisyon ang report, alinsunod sa 2015 National Defense Authorization Act.

“Chinese and North Korean actions are routinely challenging the credibility of U.S. security commitments, and at the current rate of U.S. capability development, the balance of military power in the region is shifting against the United States,” anang pag-aaral.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayon sa mga opisyal ng Pentagon at mga tagasuporta ng Kongreso, ang mga pagsisikap para makaagapay sa lumalakas na sandatahan ng China at iba pang pandaigdigang banta sa seguridad ay nahahadlangan ng sapilitang “sequestration” na pagtatapyas ng budget na itinakda ng gobyerno noong 2011 sa layuning maresolba ang malaking U.S. deficit.

Ipinasa ng Kongreso ang isang panukala sa paggastos sa huling bahagi ng 2015 na nagresolba sa ilan sa mga usaping ito, ngunit wala pang naiisip na pangmatagalang solusyon.

Lumikha ang report ng apat na rekomendasyon.

Una, dapat na magkaroon ang White House ng nag-iisang estratehiya sa rebalancing nito, kasunod ng kalituhan sa gobyerno. Bukod dito, sinabi pa ng ulat na dapat na palawakin ng administrasyon ang impluwensiya nito sa Kongreso at ayusin pa ang ugnayan sa mga kaalyado.

Ikalawa, dapat na paigtingin ng Washington ang mga pagsisikap nito upang mapalakas ang mga kaalyado nito, kabilang na ang larangan ng seguridad sa karagatan. “Many states are struggling to mitigate regional security risks that range from major humanitarian crises to maritime disputes to missile threats,” saad sa pag-aaral.

Ikatlo, dapat na panatilihin at palawakin ng Amerika ang presensiya ng sandatahan nito sa Asia-Pacific, at ang ikaapat, dapat na isulong ng Amerika ang mga bagong kapasidad ng puwersang militar nito, gaya ng kakayahang labanan ang tumitinding banta ng ballistic missile sa mga barko at bas-militar ng Amerika. (Reuters)