TALAVERA, Nueva Ecija - Dalawang hindi pa nakikilalang sunog na bangkay ang natagpuan sa loob ng isang tupok na kotse na nakaparada malapit sa irigasyon sa Barangay Dimasalang Norte sa bayang ito.

Batay sa paunang ulat ni Supt. Roginald A. Francisco, OIC ng Talavera Police, kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, dakong 11:30 ng gabi nitong Enero 17 nang i-report ni Marcelo Marcial, chairman ng Bgy. Dimasalang Sur, ang tungkol sa isang nagliliyab na kotse kaya agad na nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Talavera.

Dakong 1:00 ng umaga nang maapula ang pagliliyab ng kotse, isang Haima 2 na walang plaka, at doon natagpuan ang sunog na mga bangkay.

Sa pagsisiyasat ni PO1 Reynaldo Cayog, ang isa sa mga bangkay ay nasa sahig, sa pagitan ng unahan at likurang mga upuan, habang ang isa pa ay nasa compartment. (Light A. Nolasco)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?