CAMILING, Tarlac – Maraming mag-aaral ang maaapektuhan ang pag-aaral sa pagkakatupok ng dalawang silid-aralan sa Camiling Central Elementary School sa Camiling, Tarlac.

Ayon kay SFO1 Macky Leano, nasunog ang dalawang silid-aralan ng Grade 1 dakong 2:30 ng umaga, dahil sa isang bentilador na nakalimutang patayin at alisin sa pagkakasaksak sa electric outlet.

Wala namang iniulat na nasaktan sa sunog. (Leandro Alborote)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito