Enero 20, 1942 nang magtipun-tipon ang mga opisyal ng Nazi sa komunidad ng Wannsee sa Berlin upang isulong ang “final solution” sa “Jewish question”, sa kasagsagan ng World War II. Dumalo sa komperensiya ang iba’t ibang matataas na opisyal ng Nazi, gaya nina Nazi paramilitary corps leader Reinhard Heydrich at Adolf Eichmann.

Maingat na naitabi ang mga detalye ng komperensiya, na nagsilbing pangunahing ebidensiya sa mga pagdinig sa war crimes sa Nuremberg.

Inatasan ni Nazi leader Reichsmarschall Hermann Goring si Heydrich na bumuo ng isang komprehensibong plano noong Hulyo 31, 1941.

Naisip nilang solusyon ang tipunin ang lahat ng Hudyo sa Europe, ibiyahe ang mga ito patungong silangan, at paghiwa-hiwalayin sa mga grupo para sa mabibigat na trabaho. Sasadyaing gawing mahirap ang pagtatrabaho, at ang mga makakaligtas “[would be] treated accordingly.”

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Ang “evacuation to the east” ay nangangahulugang ibiyahe sa mga concentration camp, at ang “final solution” ay ang patayin ang mga Hudyo. Ginamit ang “gas vans” sa Chelmno, Poland upang paslangin ang may 1,000 tao kada araw.