KAPAG isinulat ng mga susunod na henerasyon ang kasaysayan ng paulit-ulit na pagkabigo ng sangkatauhan na maisalba ang sistema ng klima ng mundo, magkakaroon ng sarili nitong kabanata ang 2015.
Ang kalikasan, kasama ang mga karaniwang pamilya ng mga bansa, ay nagsanib-puwersa upang gawin itong isang mahalagang taon: halos tiyak nang pinakamainit sa kasaysayan ng planeta, saksi rin ang 2015 sa bibihirang pagkakataon na nagkaisa ang 195 bansa upang mangakong sosolusyunan ang carbon pollution na nagpapainit sa mundo.
Sakali man, ang Paris Agreement noong Disyembre 12 ang makapagsasalba sa atin, o maaari ring sabihin na huli na ito at wala nang magiging epekto kung hindi agarang ipatutupad, ayon sa mga eksperto at aktibista.
“The most compelling thing you can say about Paris is not that it saved the planet, but that it saved the chance of saving the planet,” sabi ni Bill McKibben, nagtatag ng grassroots organisation na 350.org at naglunsad ng isang worldwide movement upang itigil na ang operasyon ng mga fossil fuel company.
Sinabi rin ni Robert Stavins, director ng Harvard Environmental Economics Program sa Harvard Kennedy School: “We will only be able to judge whether it is truly a success years, perhaps decades, from now.”
Anuman ang maging kahihinatnan ng lahat, sumasang-ayon ang lahat na ang nakaraang taon ay ang “tipping point” sa climate change.
“Paris represented a real sea change in seriousness in coming to grips with the issue,” sabi ni Alden Meyer, isang beteranong climate analyst mula sa Union of Concerned Scientists sa Washington na sumubaybay sa proseso ng United Nations sa nakalipas na tatlong dekada.
Ang seryosong pagtalakay sa matinding pandaigdigang banta na ito ay kasunod ng nakamamatay na mga kalamidad at ang lumalaking kumpiyansa sa siyensiya na may magagawa itong paraan upang maibsan ang epekto ng climate change.
(Agencé France Presse)