Ipinasa ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa noong Lunes ang panukalang batas na nag-uutos na kabitan ng speed limiter ang lahat ng public utility bus (PUB).

Sa botong 19-0, pinagtibay ng mga senador ang Senate Bill No. 2999 na naglalayong mabawasan ang mga aksidente sa kalsada sa pag-oobliga sa mga bus na magkabit ng speed limiter o mahaharap sa multang aabot sa P100,000 at suspensyon ng franchise.

Tumaas ang mga aksidente sa daan na kinasasangkutan ng mga bus nitong nakalipas na tatlong taon mula 12,857 sa 15,572 aksidente noong nakaraang taon, ayon sa pag-aaral ng University of the Philippines National Center for Transport Studies (UP-NCTS). (PNA)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'