Hindi nababahala si Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa posibleng pagbuwelta ng mga botante sa kanya kasunod ng pag-veto ni Pangulong Aquino sa panukalang P2,000 pension hike increase sa Social Security System (SSS) retirees.

Sa halip, naniniwala si Roxas na maiintindihan ng mamamayan na ang naging hakbang ng Pangulo ay para maisalba ang pension agency sa pagkabangkarote sa mga susunod na panahon.

“I support the President’s decision. I think it is not right, it is not part of ‘Daang Matuwid’ that just for the sake of political points, because of election, we will destroy the future of 31 million SSS contributors,” pahayag ni Roxas.

Patuloy na inuulan ng batikos ang administrasyong Aquino dahil sa hindi paglagda ni PNoy sa kontrobersiyal na SSS pension hike bill.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sa kabila nito, patuloy rin ang buhos ng suporta sa Punong Ehekutibo ng ilang netizen sa kanyang desisyon sa naturang isyu.

Nananatiling pangatlo si Roxas sa survey ng mga presidentiable, habang namamayagpag naman sina Vice President Jejomar Binay at Sen. Grace Poe.

Iginiit ni Roxas na ang desisyon ng Pangulo sa SSS pension fund ay patunay lang na mas binibigyan nito ang halaga ang kapakanan ng mga Pinoy maging ito man ay hindi popular na desisyon.

“If you do the right thing, I think you will not be bothered with anything. Not all decision should be on the basis of popularity. In every decision, there is always right and wrong and on our part, we will stick to what is right,” ayon kay Roxas. (Aaron Recuenco)