Pansamantalang nakalalaya ang kapwa akusado ni Chief Supt. Raul Petrasanta matapos magpiyansa ng P150,000 sa Sandiganbayan kaugnay ng kasong kinahaharap na may kinalaman sa maanomalyang paglalabas ng lisensiya para sa mga AK-47 assault rifle noong 2011 hanggang 2013.

Naglagak ng P150,000 si Senior Supt. Allan Parreno matapos aprubahan ng Sandiganbayan Fifth Division ang hiling niyang ibaba ang halaga ng kanyang piyansa.

Nahaharap si Parreno sa 10 bilang ng graft bunsod ng kuwestiyonableng paglalabas ng firearms license sa mga AK-47 assault rifle at inirekomenda ng anti-graft court ang piyansang P30,000 sa bawat isa sa 30 kasong kanyang kinahaharap.

Samantala, nakabimbin pa rin ang mosyon ni Parreno na humihiling sa korte na payagan siyang makabiyahe sa Amerika nang dalawang linggo upang sunduin ang kanyang maybahay na si Rosalinda Parreno, na may malubhang karamdaman.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni Marvyn Gaerlan, abogado ni Parreno, na may Stage 4 cancer ang asawa ng opisyal at inirekomenda ng mga doktor nito na sumailalim ito ng management therapy sa Pilipinas at makapiling ang pamilya sa mga huling sandali nito. (Jeffrey G. Damicog)