NEW YORK (AP/Reuters) — Inamin ng Islamic State (IS) group ang pagkamatay ng nakamaskarang militante na kilala sa tawag na “Jihadi John,” na lumabas ilang video na nagpapakita ng pamumugot sa mga Kanluraning bihag, sa isang artikulo sa kanyang online English-language magazine na Dabiq.
Isang “eulogizing profile” ni Jihadi John ang lumabas sa magazine na ibinahagi sa online noong Martes ng gabi ng IS.
“On Thursday, the 29th of Muharram, 1437 (Nov. 12, 2015), Abū Muhārib finally achieved shahādah (martyrdom) for the cause of Allah,” sulat ng Dabiq.
Si Jihadi John ay kinilala ng U.S. military bilang si Mohammed Emwazi, isang British citizen na tubong Kuwait.
Sinabi ni Army Col. Steve Warren, tagapagsalita ng U.S. military, noong Nobyembre na napatay sa drone strike sa Syria si Emwazi.