NEW YORK (AP) – Humingi ng paumanhin ang record producer na si Linda Perry sa nai-tweet niya na hindi deserving si Lady Gaga sa songwriting credit para sa Oscar-nominated na ‘Til it Happens to You, mula sa college campus sexual-assault documentary na The Hunting Ground.
Sa kanyang tweets nitong Lunes, sinabi ni Perry na inawit lang ni Lady Gaga ang nasabing kanta na credited kina Diane Warren at Lady Gaga.
Ayon kay Perry, nasa pag-iingat niya ang original demo ni Warren at iisang linya lang ang nabago sa final version nito.
Ngunit kahapon, sinabi ni Perry na “(I) wasn’t in the room” nang sulatin ang awitin kaya mali na nakapagbitaw siya ng komento tungkol dito.
Una nang itinanggi ni Warren ang alegasyon kung sino ang nagsulat ng kanta, at iginiit na ang ‘Til it Happens to You ay “special collaboration” nila ni Lady Gaga.
Hindi naman nagkomento ang publicist ni Lady Gaga.
Batay sa regulasyon ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences, tanging ang pangunahing songwriter ang maaaring tumanggap ng nominasyon.