Ikinatuwa ng mga mambabatas noong Martes ang paglalaan ng administrasyong Aquino ng P38-million sa General Appropriations Act (GAA) ngayong taon upang ayudahan ang mga nabuhay sa kontrobersyal na anti-terror raid sa Mamasapano, Maguindano noong Enero 25, 2015 at ang mga pamilya ng 44 na miyembro ng Philippine National Police (PNP)-Special Action Force (SAF) na namatay sa madugong sagupaan.

Binanggit ni Negros Occidental Rep. Jeffrey P. Ferrer, chairman ng House Committee on Public Order and Safety, na ang P38-million allotment ay isinama sa P88.5 billion budget ng PNP sa taong ito sa ilalim ng Republic Act 10717 o ang P3.02-trillion GAA ng 2016.

Pinuri ni Ferrer ang hakbang ng gobyerno na pagkalooban ng tulong pinansyal ang mga nakaligtas na SAF at ang mga pamilya ng “Fallen 44”.

Ayon sa batas, ang pagpopondo ay pamamahalaan ng PNP Central Office sa Camp Crame, Quezon City.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

“Whether it is an allotment, assistance or benefit, the amount can be a lot of help to the SAF survivors and families of the Fallen 44,” aniya. (Charissa Luci)