Miguel Bianca copy

KUNG dati ay parehong sa primetime block ng GMA-7 ang unang dalawang drama series na ginawa nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, ang Nino at ang Once Upon A Kiss, mas may pressure sa kanila ang bago nilang afternoon prime na Wish I May, na ang theme song ay inawit ni Alden Richards. 

Sila kasi ang pumalit sa top-rating at longest-running afternoon prime ng network na The Half Sisters, simula last Monday, pagkatapos ng Eat Bulaga. 

Pero mukhang kaabang-abang ang serye na dinidirek ni Neil del Rosario dahil based ito sa isang legal case in the US na tungkol sa isang rare condition na tinawag na chimerism, na ang isang tao ay puwedeng magkaroon ng dalawang sets ng DNA. 

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Si Camille Prats ay may chimerism kaya nang i-claim niya ang sinasabi niyang anak niya, ang result ng DNA test ay negative. Gumaganap si Camille bilang si Olivia na nabuntis ni Mark Anthony Fernandez as Clark. Nabuntis din ni Mark si Audrey (Rochelle Pangilinan). Nang kunin si Olivia ng amang si Juan Rodrigo, ipinagkatiwala niya ang anak niya sa kaibigang si Loretta (Alessandra de Rossi) na kasal naman kay Andrew (Mark Herras). Lumaki ang bata bilang si Carina (Bianca) at si Tristan (Miguel) naman ang anak nina Mark Anthony at Rochelle. Na-in love sina Carina at Tristan sa isa’t isa, pero paano kung magkapatid pala sila dahil iisa ang kanilang ama, si Clark?

So, iyan ang aalamin natin. Kapana-panabik subaybayan kung malulutas ito ng kaso ng chimerism ni Olivia.

Tampok din sa afternoon prime drama sina Glydel Mercado, Neil Ryan Sese, Ashley Ortega, at Prince Villanueva.

Meanwhile, sa kabila ng pagiging busy sa kanilang work, hindi pa rin nagpapabaya sina Miguel at Bianca sa kanilang studies. Si Miguel ay college freshman taking up intrepreneurship sa La Salle Dasmariñas. Si Bianca naman ay third year high school na. Patuloy pa rin silang napapanood sa high-rating Sunday sitcom na Ismol Family with Ryan Agoncillo and Carla Abellana.

Sa biro sa kanila kung sila na ba dahil matagal na silang magkatambal, best of friends lamang daw sila, they are both very young pa at naka-focus lang sila sa kanilang work at studies. (NORA CALDERON)