Tatlong pribadong palengke ang pinadalhan ng closure order ng Quezon City government dahil sa kakulangan ng permit mula sa pamahalaang lungsod.

Una nang binalaan ng City Hall ang tatlong palengke sa Balintawak upang kumpletuhin ang mga requirement para gawing legal ang kanilang operasyon.

Ang mga pribadong palengke na pinadalhan ng cease and desist order ng QC Market Development and Administration Department (MDAD) ay kinabibilangan ng Cloverleaf Market, MC Market, at Riverview Market.

Ayon kay QC Market Administrator Noel T. Soliven, ang tatlong pribadong palengke ay walang locational clearance, walang building permit, walang sewage treatment facility, walang environmental clearance, at may iba pang paglabag sa mga ordinansa ng pamahalaang lungsod.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Aniya, ang kakulangan sa safety at health compliance ay nakababahala hindi lang sa mga mamimili, dahil sa posibleng idulot na polusyon ng mga pasilidad sa waterways, at may kakulangan din sa integridad ng mga istruktura, bukod pa sa marumi ang mga nabanggit na palengke. (Jun Fabon)