Naghain ng kasong graft ang isang dating kongresista sa Office of the Ombudsman (OMB) laban sa siyam na opisyal ng Social Security System (SSS) dahil sa umanoây palpak na pangangasiwa sa pondo ng ahensiya.
Ang mga respondent sa kaso ay kinabibilangan nina SSS Chairman Juan B. Santos; Vice Chairman Emilio S. De Quiros, Jr.; at Commissioners Diana B. Pardo-Aguilar, Michael Victor N. Alimurung; Rosalinda D. Baldoz, Daniel L. Edralin, Bienvenido E. Laguesma, Ibarra A. Malonzo at Eva B. Arcos.
Ang reklamong kriminal ay inihain ni dating Iloilo Congressman at ngayoây presidential candidate Augusto âBoboyâ Syjuco.
Si Syjuco ay dating director general ng Technical Education, Skills Development Authority (TESDA).
Hiniling ni Syjuco kay Ombudsman Conchita Carpio Morales na imbestigahan ang mga naturang opisyal ng SSS dahil sa mababang koleksiyon ng ahensiya, pagtanggap ng milyun-milyong pisong bonus ng mga opisyal, at pagkakaloob ng malalaking benepisyo sa mga nagretirong opisyal nito.
âThe callousness of the present administration and government is beyond imagination. It has already transgressed human capabilities. This extra-ordinary callousness was displayed when the âsittingâ President vetoed the P2,000 across-the-board increase of SSS pensioners,â nakasaad sa reklamo ni Syjuco.
Aniya, ito ay matapos idahilan ni Pangulong Aquino ang posibleng pagkabangkarote ng SSS kaya hindi nito nilagdaan ang panukalang P2,000 pension hike increase para sa mga retirado.
Aniya, ang pagkabangkarote ng ahensiya ay patunay na palpak ang pamamahala ng mga opisyal sa pondo ng ahensiya kaya dapat lang na imbestigahan ng Ombudsman ang mga ito.
Base sa ulat ng Commission on Audit (CoA), nakatatanggap si De Quiros, bilang presidente at CEO ng SSS, ng P6.84 milyon kada taon, kabilang ang P2.25 milyong bonus. (Jun Ramirez)