Binuo ng Judicial and Bar Council (JBC) noong Lunes ang kanyang shortlist ng mga nominado para sa magiging susunod na Associate Justice ng Supreme Court (SC).

Nagkaroon ng bakante dahil sa maagang pagretiro ni SC Associate Justice Martin S. Villamara Jr. nitong Enero 16 kaugnay sa kanyang kalusugan.

Sa isang pahayag ng SC Public Information Office (PIO) noong Lunes, nakasaad na “during its session today, the JBC resolved to submit the following names to the President as its nominees to fill the vacancy for the seat of Associate Justice (174th) of the Supreme Court (vice Hon. Martin S. Villarama Jr., who retired on 16 January 2016).”

Ang limang nominado sa shortist ay sina: Department of Justice (DoJ) Secretary Alfredo Benjamin S. Caguioa, Court of Appeals (CA) Presiding Justice Andres Reyes, CA Associate Justice Jose Reyes, dating Commission on Audit (CoA) Chairperson Maria Gracia Pulido-Tan at CA Associate Justice Apolinario Bruselas.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang JBC ay isang independent constitutional body, na inatasang sumala ay magrekomenda ng mga nominado para sa mga bakanteng posisyon sa Judiciary at sa Office of the Ombudsman (Ombudsman). (PNA)