SA unang pagkakataon, bumisita si Pope Francis bilang Papa sa isang synagogue nitong Lunes, at dito ay kinondena niya ang karahasan sa ngalan ng relihiyon, kaugnay ng mga pag-atake ng mga grupong Islam sa nakalipas na mga araw.

Sa gitna ng mga pag-awit ng salmo sa Hebrew at mga talumpati na nagbibigay-diin sa nakamamanghang ugnayan ng mga Katoliko at Hudyo sa nakalipas na 50 taon, si Pope Francis ang ikatlong Papa na bumisita sa pangunahing synagogue ng Rome, kasunod nina Pope John Paul II and Pope Benedict XVI.

Ang templo ay katapat lang ng Tiber River mula sa Vatican, at sagana sa simbolismo ng pag-uusig sa mga Hudyo, na sa loob ng halos 300 taon hanggang sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo ay napilitang manirahan sa lugar na tinatawag hanggang ngayon na The Ghetto at inoobligang magbayad sa mga Papa.

Napakahigpit ng seguridad sa lugar, at kahit ang mga mamamahayag ay maaari lang pumasok sa tatlong magkakahiwalay na pagsusuring pisikal na may 100 metro ang pagitan. Nagpapatrulya ang mga anti-terror police sa magkabilang panig ng pampang, na isinara sa publiko.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“The violence of man against man is in contradiction with any religion worthy of this name, in particular the three great monotheistic religions (Judaism, Christianity at Islam),” sinabi ni Pope Francis, na maliwanag na pagtukoy sa mga pag-atake ng mga militanteng Islam sa nakalipas na mga araw.

“Conflicts, wars, violence and injustices open deep wounds in humanity that call on us to strengthen or commitment to peace and justice,” anang Papa. “Neither violence nor death will ever have the last word before God.”

Naging mas direkta naman ang mga Jewish leader sa pagkondena sa karahasan ng mga grupong Islam.

“Faith does not generate hatred. Faith does not shed blood. Faith calls for dialogue,” sabi ni Ruth Dureghello, pangulo ng komunidad ng mga Hudyo sa Rome, sa kanyang pagtatalumpati sa harap ng Papa.

“Our hope is that this message will reach the many Muslim people who share with us the responsibility to improve the world in which we live. We can make it together,” ani Dureghello.

Kinondena rin ng pangunahing rabbi ng Rome, si Riccardo Di Segni, ang karahasan na aniya’y “justified by fanatic visions inspired by religion”.

Dumalo naman sa seremonya si Yahya Pallavicini, isang Italian Islamic leader na nakibahagi sa inter-faith dialogue, at malugod siyang tinanggap ng Papa.

Noong nakaraang buwan, naglabas ng mahalagang dokumento ang Vatican na nagsasabing hindi dapat na i-convert ng mga Katoliko ang mga Hudyo.

Nitong Linggo, nanawagan si Pope Francis ng “rediscovery of the Jewish roots of Christianity” at inulit ang kanyang apela sa mga Katoliko “[to] say ‘no’ to every form of anti-Semitism”.

“Jews and Christians must, therefore, feel like brothers united by the same God and by a rich common spiritual heritage,” sinabi ni Pope Francis. (Reuters)