Hiniling mga opisyal ng Quezon City sa publiko na bayaran ang kanilang real property tax (RPT) bago ang deadline sa Marso 31 upang makakuha ng 20% diskuwento na iniaalok ng pamahalaang lungsod kasabay ng pagtatakda ng deadline para sa pagbayad ng business tax sa Enero 20.
Nagbabala rin si First District Councilor Victor Ferrer Jr., chairman ng ways and means committee ng city council, sa mga taxpayer na ang pagpabaya sa pagbabayad ng tamang buwis ay maaaring magresulta sa pagkaputol ng negosyo, pagbabayad ng multa, at posibleng pagkakulong. (Chito A. Chavez)