Muling magkakasagupa ang kabuuang 17 ahensiya ng gobyerno sa bansa sa kanilang gagawing pagsabak sa 5 sports na paglalabanan sa 4th Inter Government Agency Festival (IGAFEST) sa Abril 30 hanggang Mayo 30 sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa manila.

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Games chief Atty. Jay Alano na magsisilbing host ang ahensiya ng gobyerno sa sports sa mahigit na 5,000 kapwa nito empleyado sa pamahalaan sa torneo na parte ng programa para sa Sports for All at pagbibigay importansiya sa kalusugan ng mamamayang Pilipino.

“We now have a total of 17 agencies joining the inter-agency tournament,” sabi ni Alano. “Hindi pa kami makadagdag ng sports kasi medyo mahirap i-organize lalo pa ngayon na nadagdagan ang ating mga participants.”

Isasagawa ang technical meeting ng torneo sa Enero 20 upang pag-usapan ang mga pagbabago at posibleng idagdag na mga sports.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Maliban sa PSC, ang ibang kalahok ay ang Department of Foreign Affairs, Department of Transportation and Communications (DoTC), Department of Health (DoH), Department of Education (DepEd), Department of Finance (DoF),Department of Trade and Industry ( DTI), Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Interior and Local Government (DILG).

Kasali rin ang Department of Science and Technology (DoST) (PAG-ASA), Department of National Defense (DND), Deparment of Budget and Management (DBM), Department of Justice (DoJ), Department of Social and Welfare Development (DSWD), Department of Tourism (DoT), Department of Energy (DoE), Department of Public Works and Highway at ang Deparment of Environment and Natural Resources (DENR).

Kabilang sa mga larong paglalabanan ang bowling, table tennis, badminton, volleyball at billiards habang isasagawa ang fun run at ilang tradisyonal na fun games sa pagsasara ng torneo sa Mayo 30. (ANGIE OREDO)