“Halong Ka!”

Ito ang binitawan ni San Juan City Mayor Guia Gomez, na Ilonggo ng “pagpalain ka”, nang ihayag ang kanyang pagsuporta kay Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa flag-raising ceremony kahapon ng umaga.

“I have had sleepless nights thinking on how we can repay you for all your love and care for us. Until it came to my mind, that maybe it is now, my turn to cross party lines for the betterment of San Juaneños. I have come to a decision that to express my personal gratitude for all of these, you will have my support this coming May elections.

You will have the support of San Juaneños,” wika ni Gomez.  

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Sinabi ni Gomez na pagtanaw ito sa tulong ni Roxas sa San Juan, gaya sa pabahay at pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan sa siyudad tuwing may kalamidad.

Sa panayam, sinabi ni Gomez na personal niyang desisyon ang pagsuporta kay Roxas, at hindi nangangahulugan na ito rin ang posisyon ng pamilya Estrada-Ejercito.

Aniya, hanggang sa kasalukuyan ay wala pang “manok” si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Inihayag din ng alkalde na walang kinalaman ang kanyang desisyon sa kasong kinakaharap nina Senators JV Ejercito at Jinggoy Estrada.

Sinabi ni Gomez na pag-uusapan ng pamilya Estrada-Ejercito at ng Partido ng Masang Pilipino ang kanyang naging hakbangin, idinagdag na handa siyang ipaliwanag ang pinagbatayan niya sa pagpili ng presidential bet.

Nagpasalamat naman si Roxas sa endorsement ni Mayor Guia at inihayag na ipagpapatuloy niya ang “Tuwid na Daan” at ipagkakaloob ang bagong pag-asa sa mamamayan, partikular na sa mga taga-San Juan.

Inihayag naman ni Sen. JV Ejercito na inirerespeto niya ang desisyon ng kanyang ina, dahil may dahilan naman ito.

“That is democracy at its best,” sabi ni Ejercito. “We agreed to disagree on our presidential preferences as I will remain supporting my ‘kapatid’ Senator Grace Poe.” (MAC CABREROS)