Magiging maikli na ang oras ng paghihintay ng mga pasahero ng MRT-3 sa mga pila sa istasyon sa pagdating ng karagdagang light rail vehicle (LRV), na ang ikalawang 48 LRV ay bubuuin at susubukan ngayong buwan.

“Commuters will experience increased passenger convenience and service reliability with the arrival of more new LRVs. If the evaluation of the first set is found to be satisfactory, we are expecting one new train to be operational by the end of this quarter,” sabi ni Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretary Jun Abaya.

Isasailalim sa dynamic testing ang behikulo upang matiyak ang kahusayan ng mga parte nito kapag nakumpleto na ang mga kinakailangang pagsusuri sa iba’t ibang electrical component nito ngayong linggo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ito ay kabibilangang ng hinihiling na 5,000-kilometrong pagtakbo, na isasagawa sa main line.

Samantala, dalawa pang LRV ang darating sa Pebrero, at susundan ng apat (4) kada buwan mula Marso hanggang Enero 2017.

“With mobility a priority to the DOTC, we are hoping to provide more available trains to the riding public through the 48 additional LRVs — an improvement that should have been done by the system’s private owner, Metro Rail Transit Corporation (MRTC), in the mid-2000s — in addition to system upgrades and better maintenance works,” dagdag ni Abaya.

Ang 48 bagong LRV ay bahagi ng capacity expansion project ng DoTC-MRT3, na magpapaluwag sa pagsisiksikan sa MRT-3 system sa pagpapalakas ng kapasidad nito sa mahigit 800,000 pasahero bawat araw. (Maricel Burgonio)