“SI Direk Joyce (Bernal) ang isa sa masasabing kokonting direktor na magaling mag-motivate ng artista,” simulang papuri ni Batangas Gov. Vilma Santos sa kanyang bagong director. “Siguro one perfect example na the first scene na with Gel (Angel Locsin) hindi kasi kami dito masyadong magkasundo.

“May technique kasi si Direk, kapag dumarating kami sa set, ayaw niya ‘yung nag-uusap kami para hindi kami maging komportable sa isa’t isa, so pagdating sa set doon muna, bawal mag-usap sa set. Si Gel nga nag-sorry pa kasi sabi niya, ‘hindi muna kita mabati,’ sabi ko, ‘do’n ka muna.’

“Ganu’n mag-motivate si Direk, kaya when we see each other sa eksena, mukha siyang bago sa akin, same thing with Xian (Lim).”

Nabanggit din ni Ate Vi ang isa pang style ni Direk Joyce na nire-rehearse sila paisa-isa, kaya ‘pag nagkita-kita na sa take, bago lahat at nawawala ang familiarity.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Kaya sa aming mga artista malaking bagay iyon, kasi ‘yung motivation sa amin para magawa namin ‘yung karakter namin ng mas tama doon sa roles namin. Kaya Direk, thank you,” nakangiting baling ng Star for All Seasons kay Bb. Joyce Bernal nang humarap sila sa entertainment reporters sa grand presscon ng pelikulang Everything About Her.

Kinunan namin ng pahayag si Direk Joyce tungkol dito, at agad inamin na mahigpit talaga siya.

“Oo, ‘yung wala kang pakialam kung governor siya. Kaya nu’ng in-offer ito sa akin, talagang yes kaagad ako, kasi kung pinalagpas mo ito, parang may pinalampas ka talaga sa buhay mo at hindi ko na kayang balikan ‘yun. So, yes po kaagad.”

Nagagalit o nagmumura ba siya kapag nagdidirek at naranasan na ba niyang maireklamo ng talent o maging laman ng open letter?

“Hindi pa, naghihintay na lang,” napangiting sagot sa amin.

Paano ba siya magalit sa set?

“Ano, sabi ko, ‘sapukin kita, sapakin kita, eh’ mga ganu’n.”

Hindi ba siya nagmumura?

“Minsan siguro meron, aaminin ko naman kung nagmura ako, kasi nasaktan ko siya kaya mag-a-apologize ako, magso-sorry kapag nasaktan kita, ke mali ka o tama, basta’t nasaktan kita magso-sorry ako,” sabi ni Direk Joyce.

Hindi na niya pinatatagal ang paghingi ng paumahin kapag nangyari sa kanya iyon.

“After the shoot or taping,” say niya. “Kapag nagmura ako, ibig sabihin sagad na ‘yun. Nagpi-P.I. ako. Pero ibig sabihin, sagad na ‘yun.”

Ano ang masasabi niya sa nangyari kay Direk Cathy Garcia Molina na “na-open letter”?

“Sabi ko, ‘Shit, nangyari na rin sa akin ‘yan, nakapagmura ako at saka malamang, minsan, may talents ka na pulis.

Minsan, akala mo talents sila, ‘yun pala totoong pulis. Never assume.

“At saka kahit sinuman ‘yan, kahit sanay na siyang namumura, masakit pa rin kapag namura ka. Masakit pa rin ‘yun.

“Mas lalo na kapag hindi ka sanay, masakit pa rin ‘yun. Kasi nangyari rin sa akin ‘yun no’ng bagu-baguhan ako.

Nasabihan ka rin ng masasakit na salita at na-hurt din ako. Pero sinasabi ko agad, madirekta kasi ako,” kuwento ni Direk Joyce.

At sa nangyari kina Direk Cathy at Alvin Campomanes, dapat daw ay magkita ang dalawa at mag-usap,

“Baka dapat magkita sila para tapos na,” aniya.

Kapwa niya direktor si Direk Cathy kaya naintindihan niya ang pinagdadaanan nito.

“Pareho kaming direktor ni Direk Cathy, so I know what happened. At alam ko, nagkakamali ako.”

Ano ang ginagawa niya kapag hindi makuha ng talent ang gusto niyang arte?

“Pinapapalitan ko,” mabilis na sagot.

Sabi pa niya, “Kaya kong murahin ang mga artista, kaya kong murahin kahit sino, pero mahirap sa ano… mahirap sa mga talents kasi alam mo ‘yung kinikita nila.

“And most of the time, gusto nilang makasama ang mga artista, hindi lang nila alam ang pinapasok nila.”

Inamin ng lady director na eye-opener ito sa hanay nila.

“Yes, and actually, pelikula pa lang ni Ate Vi na Ekstra, nakita ko na ang sarili ko do’n. ‘Tapos ‘yung nangyari kay Direk Cathy. Hindi ko lang alam, ha, pero feeling ko, sa lahat ng director, eh. Sa lahat ‘yun. Imposibleng wala kang ano, eh.”

Komporme siya sa usap-usapan ngayon na kinakailangan nang baguhin ang kultura ng pagmumura sa showbiz.

“Minsan kasi, iba kasi ang taping. Wala masyadong preparation sa talents. Ang dami mong kukunan, di ba? Dapat ‘yung talent mo, ready. Kung pelikula ‘to, makakarir ko siya. Aabot kami sa point na hindi na siya mapapahiya, eh. ‘Kaso taping. Ang dami n’yong kinukunan,”

Magkaiba raw ang estilo niya at ang style ni Direk Cathy.

“Kapag galit kasi ako, hindi ako makapagdirek. Kapag nagalit ako, kailangan kong umalis. Magkakape ako. At pagbalik ko, kailangang masaya na ako. Kapag nasaktan kita, kesehodang mali ka or mali ako or tama ako, nasaktan kita, magsu-sorry ako. Pero ii-explain ko ‘yun kung bakit,” pagtatapos ni Bb. Joyce Bernal. (REGGEE BONOAN)