Magandang balita sa mga motorista.

Magpapatupad ng big-time oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes ng umaga.

Ayon sa Shell, epektibo 6:00 ng umaga ng Enero 19 ay magtatapyas ito ng P1.45 sa presyo ng kada litro ng diesel, P1.25 sa kerosene, at piso sa gasolina.

Asahan ang pagsunod ng iba pang kumpanya sa kaparehong bawas-presyo sa petrolyo, kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito. 

National

'Wag siyang mag-astang Diyos!' Hontiveros, inalmahan hiling na hospital arrest ni Quiboloy

Ang bagong big-time price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Enero 12 nang nagtapyas ang mga oil company ng 70 sentimos sa presyo ng diesel at kerosene, habang 10 sentimos naman sa gasolina. (Bella Gamotea)