Aabot sa 700 kaanak ng mga dating miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang nabigyan ng libreng edukasyon sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA).

Ang pamana ay isang programa ng gobyerno na tumutulong sa mga residente sa malalayong barangay na karaniwang apektado ng kaguluhan.

Sa isang press statement, sinabi ng PAMANA na simula 2013, ipinatutupad na ng Commission on Higher Education (CHEd) ang study grant para sa mga dating miyembro ng rebeldeng grupo at kanilang mga kaanak na walang maitustos sa pag-aaral.

Tinukoy ng grupo ang isa sa 720 benepisyaryong estudyante ng programa na si Nurol-Huda Sarail, 20, ng Barangay Tongsina, Bongao, Tawi-tawi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinakabata sa siyam na magkakapatid at anak ng isang dating MNLF fighter, naka-enroll ngayon si Sarail sa kursong Bachelor of Science in Teaching Arabic sa Mindanao State University (MSU) sa Bongao. (Elena Aben)