Umaasa ang Malacañang na hindi na bubuhayin ng Kongreso ang panukalang P2,000 across-the-board pension hike ng Social Security System (SSS) na hindi nilagdaan ni Pangulong Aquino upang maisalba umano ang pension agency sa pagkabangkarote.

Bagamat inirerespeto ng Palasyo ang karapatan ng mga mambabatas na i-override ang veto power ng Pangulo, sinabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma, Jr. na dapat bigyan ng konsiderasyon ng mga ito ang magiging negatibong epekto ng pag-apruba sa nasabing panukala sa katatagan ng SSS.

“Mainam na isaalang-alang ng ating mga mambabatas ang kahalagahan na patatagin ang pondo ng SSS at tiyakin ang kasiguruhan ng pagbabayad ng benepisyo sa lahat ng mahigit 30 milyong miyembro nito,” pahayag ni Coloma sa panayam sa radyo kaugnay ng umano’y plano ng mga mambabatas na i-overturn ang desisyon ng Pangulo kapag nakakalap ng two-thirds vote sa Kongreso.

Aniya, mas binigyan ng timbang ni Pangulong Aquino ang kapakanan at interes ng lahat ng miyembro ng SSS nang i-veto nito ang panukalang pension hike.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“Sa kanyang pahayag noong Biyernes sa Malolos, sinabi ni Pangulong Aquino na siya ay nagpasya bilang ama ng bayan at pinuno ng responsableng pamahalaan na hindi magpapasa ng malaking suliranin sa susunod na administrasyon ,” giit ni Coloma. - Genalyn D. Kabiling