Nagtalaga ang Korte Suprema ng bagong en banc deputy clerk of court na tutulong sa pangangasiwa sa pag-usad ng mga kasong nakabimbin sa kataas-taasang hukuman, kasama na ang mga kontrobersyal na disqualification case laban kay Senator Grace Poe.
Ito ay sa katauhan ni Atty. Anna-Li Papa-Gombio, na itinalaga sa puwesto sa bisa ng memorandum na pirmado ng tatlong chairperson ng tatlong division ng Supreme Court (SC).
Mahigit 20 taon nang nanunungkulan si Papa-Gombio sa Office of the Supreme Court En Banc Clerk of Court.
Nagtapos siya sa Ateneo Law School.
Ang deputy clerk of court ay may kapangyarihang mag-promulgate ng mga resolusyon at desisyon ng en banc ng Korte Suprema kapag wala ang clerk of court.
Pinalitan ni Papa si Atty. Felipa Anama. (Beth Camia)