SA liturgical calendar ng simbahan, ang ikatlong Linggo ng Enero ay itinakda para sa pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño na kinikilalang patron saint ng mga bata. Sa pagdiriwang na ito, binibigyan ng matapat na pagpapahalaga ang lahat ng mga bata anuman ang katayuan sa buhay. Ang simbahan sa iniibig nating Pilipinas ay pinahintulutan ng Vatican sa Roma na ipagdiwang tuwing ikatlong Linggo ng Enero ang kapistahan ng Sto. Niño bilang pagpupugay ng mga Pilipino sa kanilang malalim na debosyon sa Sto. Niño. Ang pagdiriwang na ito ay masasabing pinakamalaki, pinakamalawak at pinakamakulay na pagdiriwang sa Pilipinas. May iba’t ibang paraan ang mga Pilipino kung paano ito ipagdiriwang.

Bahagi ng pagdiriwang, bago sumapit ang araw ng kapistahan, ang siyam na araw na nobena sa mga simbahan at kapilya na naroon ang imahen ng Sto. Niño. Sa ibang parokya at simbahan, tulad sa Saint Clement Parish sa Angono, Rizal, bukod sa nobena bago magmisa sa umaga ay may Sto. Niño exhibit. Tampok ang mahigit 60 imahen ng Sto. Niño na nakabihis ng iba’t ibang disenyo at kulay na nagrerepresenta sa iba’t ibang sektor sa ating lipunan. Ang mga imahen ng Sto. Niño ay itatatampok din sa ikawalong Grand Sto. Niño Festival.

Sa paniniwala ng mga Katolikong Pilipino, ang imahen ng Sto. Niño ay lumikha ng matapat na debosyon sa lahat ng lugar sa Pilipinas.

Ang imahen ng Sto. Niño ay isang magandang pagpapaalala upang ang mga bata ay hindi maging biktima ng child abuse o maging palaboy sa mga lansangan dahil sa kapabayaan at kawalan ng pagmamahal ng kanilang mga magulang at pamahalaan.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ang kapistahan ng Sto. Niño, ayon sa kasaysayan, ay nagsimula sa Sugbu (dating tawag sa Cebu) nang iregalo ni Ferdinand Magellan kay Hara Amihan, asawa ni Raha Humabon matapos binyagan ni Padre Pedro Valderrama na kasama sa expedition ni Ferdinand Magellan. Si Hara Amihan ay bininyagan bilang Juana. Si Raha Humabon ay bininyagan naman sa pangalang Carlos. Ang regalo sa kanya ay ang “Ecce Homo” o busto ni Kristo. Bininyagan din ang 800 tauhan ni Raha Humabon. Mula noon, ang kapistahan ng Sto. Niño ay ipinagdiriwang na bilang isang espesyal na kapistahan sa Pilipinas tuwing ikatlong Linggo ng Enero. (CLEMEN BAUTISTA)