Pinagtibay ng House Committee on Veterans Affairs and Welfare ang panukalang magtataas sa old age pension ng mga beteranong sundalo sa P10,000 kada buwan, mula sa P5,000 na tinatanggap ng mga ito ngayon.

Sinabi ni Bataan Rep. Herminia B. Roman, may akda ng House Bill 6230, na malaking tulong ito sa pangangailangan ng mga beterano upang makapamuhay ang mga ito nang maayos at disente.

Layunin ng panukala na susugan ang Section 10 ng RA 6948 o ang “An Act Standardizing and Upgrading the Benefits of Military Veterans and Their Dependents”, upang ang mga beterano na edad 65 pataas ay mapagkalooban ng P10,000 pensiyon bawat buwan habang nabubuhay.

Ayon kay Roman, ang P5,000 na tinatanggap ngayon ng mga beterano ay naisabatas 21 taon na ang nakalipas, at hindi na akma sa kasalukuyang panahon, dahil mas mataas na ngayon ang presyo ng mga bilihin at gamot. (Bert de Guzman)
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!