bobby ray parks jr. copy

Nakatakda ring lumahok sa darating na 2016 MBL Open basketball championships ang isa sa mga nangungunang kumpanya ngayon sa larangan ng real estate sa bansa na New San Jose Builders, Inc (NSJBI).

Mga baguhan ngunit maituturing na “competitive team” ang ipapasok ng kumpanya na naitatag noong 1986 ng negosyante at sportsman na si Jose L. Acuzar na gagabayan ni Rainier Carpio bilang hedacoach katulong ang beternaong coach na si Jinino Manansala bilang consultant.

Ito ang unang pagkakataon na lalahok ang NSJBI sa MBL sa hangarin nitong makalaro sa mas competitive na commercial leagues mula sa paglalaro sa mga corporate leagues.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Ayon kay Manansala, umaasa ang NSJBI team na magagawa rin nilang magtagumpay sa larangan ng sports gaya ng kanilang inaaning tagumpay sa real estate.

Kabilang sa mga manlalaro ng NSJBI ay sina Jose Maria Acuzar, Niko Bermido, Renato Palogan Jr., Mark Anthony Puspus Jhon Kevin Sumay, Jose Cris Acuzar, Mark Maloles, Angelo Acuzar, John Ambulodio, Jeffrey Acuzar, RR Telles, Marvin Roberto, Dennis Santos at team captain Ricky Sopranes.

Kilala ang NSJBI sa “affordable housing” at “recreational facilities” na tumutugon sa pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino.

Kabilang sa kanilang maipagmamalaking nagawa ay ang Philippine Arena, ang “world’s largest indoor arena” sa Bulacan at ang Las Casas Filipinas de Acuzar, isang tourist spot sa Bataan.

“This is really a good development in sports, basketball in particular,” pahayag ni MBL chairman Alex Wang.

“This is relly a good development in sports, basketball in particular.

NSJBI has a proven track record of innovating pioneer projects around the country,” ani Wang.

“As I’ve always said in the league’s first 15 years, the more, the merrier,” dagdag ni Wang.