Sa gitna ng kabi-kabilang pagbatikos, naninindigan ang Malacañang na tama at makatarungan ang naging desisyon ni Pangulong Aquino na pag-veto sa Social Security System (SSS) pension hike bill.

Ayon kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Undersecretary Manolo Quezon III, kahit na kinokondena ng ilang sektor, lalo na ng mga senior citizen, malaki ang paniwala ni Aquino na mahalaga na panatilihing matibay ang kalagayan ng SSS sa halip na pagbigyan ang popular sanang hakbang na magkakaloob ng karagdagang P2,000 sa buwanang pensiyon ng mga retirado.

Ayon kay Quezon, dapat malaman na marami rin ang nakakaunawa sa mga rasong ginamit ng Pangulo.

Kasabay nito, inisa-isa rin ni Quezon ang mga naipasang batas at programa para sa mga senior citizen para pabulaanang walang malasakit sa kanila ang administrasyon.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Kabilang dito ang PhilHealth coverage na ginawang mandatory sa lahat ng senior citizen; ang dagdag tulong sa mga indigent senior citizen kung nakatanggap sila ng tinatawag na “augmented social pension” batay sa 2010 Expanded Senior Citizens Act na nilagdaan noong Pebrero 2010; at pagbaba sa edad ng mga kuwalipikado sa indigent senior citizens’ pension, mula sa dating 77-anyos ay ginawang 65-anyos pataas.

“I-review lang natin ang mga benepisyo na ginawa ng administrasyong ito para sa mga senior citizen ng ating bansa for the past five and a half years. Sa mga benepisyo na ito, there are four that comes to mind. Number one, siguro we forget that the PhilHealth coverage became mandatory for all senior citizens. Naganap po ito ‘nung June 2015 when more than 4.8 million senior citizens have been enlisted under the healthcare program. Ginawa ito through amendments to the 2010 Expanded Senior Citizens Act na pinirmahan ng Pangulo noong 2014,” paliwanag pa ni Quezon. (Beth Camia)