ISANG malaking kahihiyan sa industriya ang unti-unting pagkakabunyag sa mga pangyayari sa likod ng Metro Manila Film Festival 2015 scandal.

Sa una pa lamang, nang mapabalita na magsasampa ng reklamo si Laguna Cong. Dan Fernandez para pormal na maimbestigahan ang kaso, maraming entertainment industry insiders ang naghangad na sana ay sumulong ang napakahalagang imbestigasyon sa iskandalong ito sa local festival na minahal na natin sa loob ng napakaraming taon.

At hindi nga natutulog ang Diyos dahil nangyayari na, gumagalaw na, umaaksiyon, totoong may regular hearings na sa Congress!

Due process na ang sumunod sa Kongreso na ang nagkakasagutan, naglalabanan ng pagdi-deny, pagtakip sa sarili, pagsisiwalat sa publiko ng mga “kababawan” sa likod ng eskandalo.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

At narito na nga ang verdict: Inaprubahan ng Congress ang motion sa pagbuwag sa lahat ng MMFF committees – na nabilad na pinangyayarihan ng “dirty play of politics”, corruption, at iba pa.

Dahil sa pagsulong ng katwiran at katarungan, lalo pang naging masugid ang pagsubaybay ng buong industriya sa imbestigasyon.

Samantala, nitong nakaraang Huwebes, natiyempuhan namin sa Reaksiyon, ang matapang na programa ni Luchi Chruz Valdez ang interview ng head ng TV5 News kay Cong. Dan Fernandez.

Buong tapang, mahusay powerful, informative, at sincere ang mga kasagutan niya kay Luchi, ibinibigay lamang niya ang facts, walang paninira.

In full conviction and confidence ang mga sinasabi ni Cong. Dan, maging sa pagsasabi na walang puso sa independently-produced films ang nagpapatakbo sa MMFF.

Nagsisimula pa lamang ang laban ng Honor Thy Father executive producer na si Dondon Monteverde na kahanga-hanga rin sa pagsusulong ng reporma sa local film industry, na siya namang nararapat. 

Tulad ng lahat ng nagmamahal sa industriya ng pelikulang local, nakaantabay lamang ang entertainment press sa mga susunod pang mangyayari sa imbestigasyon. (MELL NAVARRO)