Nagpahayag na ng pagkabahala si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa dumaraming insidente ng pananakit at pananakot ng mga aroganteng taxi driver sa mga pasahero kapag hindi pumayag ang mga ito sa kanilang kagustuhan.
Aniya, panahon na para pairalin ang “kamay ng bakal” ng gobyerno laban sa mga mapang-abusong taxi driver.
“Instant and severe but legal punishment might stop arrogant taxi drivers from verbally abusing their passengers or, worse, physically harming them.
Of course, they know that they could be charged in court, but it seems these drivers are not scared about it,” pahayag ni Marcos.
Nanawagan din si Marcos sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kasama na rin ang pulisya at Metropolitan Development Authority (MMDA), na mahigpit na ipatupad ang batas upang matigil na ang pang-aabuso sa pasahero ng mga taxi driver.
Hinikayat din ng kandidato sa pagka-bise presidente ang mga sumasakay ng taxi na maging matapang tulad ng ipinamalas ng ilang biktima nang ini-report sa awtoridad at nagsampa ng kaukulang reklamo laban sa mga mapang-abusong taxi driver.
Aniya, malaki ang maitutulong ng pakikipagtulungan ng mamamayan sa awtoridad upang matukoy ang mga abusadong taxi driver. (Leonel Abasola)