HUMAKOT ng 12 nominasyon ang 1820s frontier saga na The Revenant para sa gaganaping 88th annual Academy Awards.
“We gave it our all on this film and this appreciation from the Academy means a lot to me and my colleagues who made it possible,” pahayag ng director na si Alejandro Inarritu. “Champagne and mezcal will run tonight!”
Pumapangalawa ang post-apocalyptic sequel ni George Miller na Mad Max: Fury Road na humakot naman ng 10 nominasyon kabilang na ang best picture at best director para kay Miller.
Pitong nominasyon naman ang nakuha ng sci-fi epic The Martian ni Ridley Scott, kabilang ang best picture at best actor para kay Matt Damon, ngunit ang nakagugulat, hindi nominado si Scott bilang best director.
Walong pelikula ang nominado para sa best picture, ang limang iba pa ay ang Spotlight ni Tom McCarthy; Bridges of Spies ni Steven Spielberg; The Big Short ni Adam McKay; ang mother-son captive drama na Room; at ang Brooklyn.
Dinoble ng academy president na si Cheryl Boone Isaacs ang kanyang pagsisikap upang mapalawak ang mga miyembro ng academy, at nagpakababa para kay Chris Rock.
“I really was disappointed,” sabi ni Isaacs nang ihayag ang mga nominado. “What is important is that this entire conversation of diversity is here and that we are talking about it. And I think we will not just talk because people will say, ‘Well don’t just talk, you gotta do.’ Talking gets to the doing, and we are going to do.”
Makakatunggali nina Leonardo DiCaprio at Matt Damon sa best actor category sina Michael Fassbender (Steve Jobs), Eddie Redmayne (The Danish Girl) at Bryan Cranston (Trumbo). Dalawang malalaking pangalan ang hindi nakasama at ito ay sina Johnny Depp para sa Black Mass at Will Smith para sa Concussion.
Sa isang pahayag, inilarawan ni DiCaprio, umaasang makukuha ang kanyang unang Oscar award sa kanyang ikalimang nominasyon, ang The Revenant bilang ”one of the most rewarding and collaborative experiences of my life.”
Nanguna naman para sa best actress nominees si Brie Larson para sa Room. Makakatunggali niya sina Jennifer Lawrence para sa pelikulang Joy; si Cate Blanchett para naman sa Carol; si Saoire Ronan para sa Brooklyn; at si Charlotte Rampling naman para sa 45 Years.
“I am incredibly humbled by this honor,” pahayag naman ni Sylvester Stallone, na ngayon lang nakatanggap ng nominasyon sa kanyang pagganap bilang Rocky Balboa sa Creed. “I was not expecting it, especially at this time in my life. I am certainly grateful to the artists and collaborators who helped make it possible.”
Si Stallone ang tanging nominado sa pelikulang Creed ni Ryan Coogler.
“Irony of ironies, the only actor who received a nomination for Creed is white,” sabi ni Gil Robertson, presidente ng African American Film Critics Association, naghayag sa Straight Outta Compton bilang best picture. “The academy really needs to look at itself.” (Associated Press)