Maganda ang naging panimula ngayong taon ng Philippine Sepak Takraw team matapos nilang magwagi ng silver medal sa katatapos na 5-nation Malaysian Sepak Takraw Championships na idinaos sa Kuala Lumpur.

Ang men’s doubles team na nagwagi rin ng silver medals noong nakaraang taon sa Singapore Southeast Asian Games at sa Super Series ay natalo sa host Malaysia sa finals.

Nauna nilang tinalo upang makausad sa kampeonato ang koponan ng Indonesia 21-8 at 21-12 sa semifinals.

Winalis ng mga Pinoy, na binubuo nina nina Jason Huerte, Emmanuel Escote at Rheyjey Ortuoste, ang nakatunggaling Brunei at isa pang Malaysian squad sa eliminations.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?