Hiniling ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa Sandiganbayan Fifth Division na payagan siyang pansamantalang makalabas ng piitan at makabiyahe sa Amerika upang sunduin ang kanyang misis na kritikal na ang kalagayan.

Sa inihaing urgent motion sa Sandiganbayan Fifth Division, hiniling ni Senior Supt. Allan Parreno na payagan siyang makabiyahe sa United States ng dalawang linggo.

Kabilang si Parreno sa isang grupo ng mga opisyal ng PNP na kinasuhan dahil sa umano’y maanomalyang transaksiyon sa pagkuha ng courier service ng mga lisensiya ng baril sa Camp Crame.

Ayon sa kanyang abogado na si Marvyn Gaerlan, nasa advance stage ng cancer ang maybahay ni Parreno na si Rosalinda at idineklara nang nasa terminal case habang ginagamot sa Amerika.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Unfortunately, due to the serious nature of her condition, doctors have determined that at this late stage it is best if she undergoes pain management therapy here in the Philippines so that she may enjoy her remaining moments with her family,” ayon kay Gaerlan.

“Due to the serious condition of Rosalinda and the very fragile state she is in, accused is requesting to travel to the United States to fetch and accompany her back to the Philippines,” saad sa mosyon na isinumite ni Gaerlan.

(Jeffrey G. Damicog)