Limang overseas Filipino worker (OFW), na humingi ng tulong sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai matapos makaranas ng pagmamaltrato ng kanilang employer, ang sinundo ni Vice President Jejomar Binay matapos niyang makatagpo ang mga ito sa kanyang tatlong araw na pagbisita sa United Arab Emirates.

Dating Presidential Adviser on OFW Concerns, nakipagpulong si Binay noong Huwebes kina Rosminda Baui, Belsie Espine, Leowilyn Tan, Angelyn Tak, at Lucrecia Insesto, na pansamantalang naninirahan sa POLO Center sa Dubai.

“Ito ay isang naantalang Pamaskong handog ko para sa inyo at sa inyong pamilya,” pahayag ni Binay matapos bigyan ang mga ito ng plane ticket sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

Napag-alaman ng pangalawang pangulo na ang kakulangan sa pondo ang dahilan kung bakit hindi agad na nakabalik sa Pilipinas ang nasabing OFWs.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Mayroong mga matulungin na tao—negosyante at pribadong indibdiwal—na nagbigay ng mga plane ticket,” sinabi ng standard bearer ng United Nationalist Alliance (UNA).

Pinaalalahan ng opisyal ang lima na maging maingat sa pagkuha ng trabaho sa ibang bansa sa mga darating na panahon.

Ang isa sa kanila ay 27-anyos na single mother mula sa Barangay Baui, Cabagan, Isabela na tumakas sa kanyang pinagtatrabahuhan noong Disyembre 23, 2015 matapos sampalin at molestiyahin umano ng kanyang employer.

Bagamat natapos na niya ang dalawang taong kontrata sa kanyang employer, tumanggi pa rin ang huli na pauwiin siya at tinakot din upang lagdaan ang panibagong kontrata. (Anna Liza Villas-Alavaren)