Enero 16, 1979 nang tumakas ang Iranian na si Shah Mohammed Reza Pahlevi, kasama ang kanyang asawa na si Empress Farah, mula sa Tehran, Iran, at lumipad patungong Aswan sa Egypt. Ito ay sa nangyari sa kasagsagan ng rebolusyon at bayolenteng demonstrasyon ng militar na nananawagan ng pagpapatalsik sa kanya sa puwesto.
Pinamunuan niya ang Iran simula 1941. Taong 1963 nang ilunsad niya ang kanyang “White Revolution” program para sa pagpapaunlad ng mga imprastruktura, mataas na kalidad ng edukasyon, at sa pagsusulong sa karapatan ng kababaihan na makaboto.
Pebrero 1, 1979 nang magbalik ang primary spiritual leader ng Iran na si Ayatollah Ruholla Khomeini, na ipinatapon noong 1964, at ginawa niyang Islamic republic ang Iran.