MAPAPANOOD ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya ang kuwento ng katatagan at inspirasyon ng isang overseas Filipino worker sa Dubai na sinuong ang lahat ng hamon para buhayin ang pamilya.
Bata pa lang si Lyn (Maricar Reyes) ay sinusubok na ng tadhana ang kanyang katatagan. Mula sa pagpanaw ng kanyang ama hanggang sa maaga niyang pagiging ina, matapang na hinaharap ni Lyn ang lahat.
Maging ang sariling pangarap na maging abogado ay isinantabi niya para makipagsapalaran sa Dubai at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak. Sa kasamaang palad ay naloko siya ng kanyang sponsor na nangakong hahanapan siya ng trabaho sa Middle East.
Paano ngayon haharapin ni Lyn ang kalbaryo sa ibang bansa na walang ibang malalapitan o masasandalan? Hanggang kailan niya kayang ilihim sa pamilya ang pagdurusang dinaranas?
Makakabituin ni Maricar sa episode na ito sina James Blanco, Lotlot de Leon, Simon Ibarra, Gerald Madrid, Bea Saw, Raquel Montessa, Minnie Aguilar, Ynez Veneracion, at Viveika Ravanes, mula sa panulat ni Benson Logronio at sa direksyon ni Nuel Naval.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag-log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.
I-tweet o i-post ang inyong opinyon sa episode ngayong linggo gamit ang hashtag na #MMKOFW.
Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng MMK gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.