Binabalak ng itinuturong utak ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles na tumestigo sa pagsisimula ng paglilitis sa Sandiganbayan.

Nagsumite ang mga abogado ni Napoles ng kanilang pre-trial brief sa Sandiganbayan Fifth Division para sa mga kasong graft ng kanyang kapwa akusado na si Sen. Jinggoy Ejercito Estrada at inilista siya bilang unang tetestigo sa hanay ng mga ipiprisintang saksi.

Ang Fifth Division ang may hawak ng one count of plunder at 11 counts of graft laban kay Estrada at sa kanyang mga kapwa akusado, kabilang na si Napoles; ngunit hindi pa itinatakda ang petsa ng paglilitis.

Bukod kay Napoles, inilista rin ng kanyang mga abogado ang 55 iba pang indibiduwal, kabilang na ang pamangkin at kapwa akusado ni Napoles na si Ronald John Lim, at ang driver nitong si John Raymond de Asis, na balak nilang iprisinta sa paglilitis at “reserves the right to present other witnesses.”

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Inilista rin nila ang mga opisyal sa mga non-government organization na umano’y kontrolado niya at sangkot sa kaso.

Nilalayon din nilang iprisinta ang mga imbestigador at kinatawan ng National Bureau of Investigation, Commission on Audit, Field Investigation Office ng Ombudsman, Anti-Money Laundering Council, at iba pa. (JEFFREY DAMICOG)